Monday, January 30, 2012

Enero 30,  2012




            Alam ninyo,  sa kapanahunan kong ito,  maituturing ko ang
paglabas-labas ko sa bahay ay "once in a blue moon"  na lang,  at sa
totoo lang,  kailan ba naging blue ang moon?  Kung kaya't sana ay
maunawaan ninyo na limitado ang maari kong maiparating sa inyo dahil maski na nuon,  ako ang tipong uwi-bahay.  Karamihan ng
mga lugar na nabanggit o babanggitin pa ay mula sa mga nabasa,
napanood sa TV at sa mga images sa Internet. 



            May mga kaunlaran sa Pilipinas na ikinagagalak kong ipahayag sa inyo dahil Pinoy,   eh.  Kaya't heto,   mga lugar
na maari ninyong pasyalan at galugarin sa Pilipinas :



            Las Pinas (Las Pinyas) -  matatagpuan rito ang tanyag at bantog na Bamboo Organs.









            Mga Hot Springs sa Laguna,   mga iba't-ibang Resorts na
maaring may swimming pool o combinasyon nito,  o sa may
dalampasigan,   at ang mga Water Falls na  matatagpuan sa kapaligiran ng Luzon, Visayas at Mindanao.




            Chocolate Hills -  Ito ay tinawag na Choclolate Hills



             

dahil sa kulay ng lupa at kung saan may mga umuusbong na mga
luntian.  Ito ay matatagpuan sa Bohol.



    
            Taal Volcano -  matatagpuan ito sa Batangas o kaya'y
ang daang Tagaytay.    Ang Taal volcano ay napapaligiran ng Taal








Lake.  Ang Taal view ay makikita sa Lodge na ito.  Maaring ang Taal volcano na nakikita natin ay ang "peak" nito na kung saan
ang kabuoan ay nakalubog sa Taal Lake.  Kahit ano pa man,  ang bulkang ito ay tinaguriang pinakamaliit na bulkan ng Pilipinas.








            Cave of Puerto Princesa -  Sa yungib na ito matatagpuan ang Underground River of Palawan na "one of the 7 wonders of nature."

















  



            Baguio City -  ito  ang Summer Capital of the Philiipnes.  
ito ay ciudad na nasa bundok kung kaya't malamig ang 
klima dito kahit na tag-araw.    




At kung hindi ninyo ninanais na mag-lakbay o mag-"out-
of-town" para sa isang bakasyon o excursion,  maari rin naman
kayong manood ng sine or mag-shopping sa napakaraming Malls
sa loob ng bansa,  o kaya'y mag-stay-in sa isang Hotel o kaya'y magpalipas oras sa mga Condos as  transient. 



At kung kayo ay palasimba,  naririto ang Manila Cathedral
malapit sa Palacio del Gobernador at Fort Santiago.







 O,  sa San Agustin Church na kalapit lang,  o,  sa Quiapo
Church,  o,  sa Santa Cruz Church,  o sa Binondo Church,
o,  sa Sto. Domingo Church.  O,  sa historical Malolos Church,  
sa Malolos,  Bulacan.



Hanggang dito na lang po,  at dito nagtatapos ang aking
mga pahayag sa inyo.  Kung nais niyong mas makita on
TV,  sa Channel 11 po maraming travelogues at sa
Living Asia Channel.  Iminumungkahi ko pong
galugarin ninyo ang iba pang mga channels
dahil paminsan-minsan,  may mga
segment po ang mga Talk Shows na kung
saan ang mga Hosts ay nag-tra-travel.




Big world really,  nasasabi lang na small world kasi sa mga
pagkakataon na kung saan sa linaki-laki ng mundo,  same
place pa kayo nagkita ng say,   kaklase mo in Prinary
Grades pa.

Halimbawa :                                                                         








                                                                  

















     
















   




            

Thursday, January 26, 2012

             Enero 26,  2012




          Moderno ang mga kabataang Pinoy,  bukod sa mga napapanood ninyo sa TV mayroon din namang mga discos,  bars and nightspots na kung saan naipapaabot ng mga kabataan ang kanilang mga talino sa pag-awit at pag-sayaw at kung saan nauso ang mga
Karaoke,  'yun bang pagsabay ng pag-awit na may mga lyrics sa
karaoke video machine.   At saka may maraming ibat-ibang shows
and gimmicks:  comedy,  fashion show,  monologues,  atbp. 




            Dito sa Pilipinas,  kung ano ang uso sa ibang bansa,  uso din dito.  Hindi tayo nahuhuli.    At mayroon pang mga Impersonators
na gayang-gaya ang mga originals.  Sabagay,  sa lahat ng panig
ng mundo yata,  ganoon,  updated sa mga fads and current events.
Sa sayawan,  mahinhin ang ating mga Folk Dances,  maliban na lang
kung ito ay sayaw ng mga lalaki tulad ng Manlalatik.  Pero,  iba na
ang mga modern dances ngayon na may mga head spin at mga tipong makabaling-butong mga sayaw.  Minsan sa aking panonood mas marami ang dasal ko kaysa sa palakpak,  susmaryosep!  At may
pa-itsa-itsa pa.  Ikako,  sayaw ba 'yon?  Iba na kasi ang panahon ngayon.  Dati,  mag-Batman dance lang ako,  sinisita na ako.






            Pilipino Custom :  No Touch.  Hindi ko naabutan ang kapanahunang ito,  naala-ala ko lang,  dahil sa tingin ko mas mapusok ang mga kabataan ngayon.  Pero sa palagay ko halos
magkapareho lang,  iba lang ang   Time Frame  and Fashion nila.






            Mag-fi-feature ako ng mga awiting  Pilipino :






            










































































   

Tuesday, January 17, 2012

             Enero 18,  2012





                                                                    Mt. Mayon




             Ang Mt. Mayon ay isang volcano na matatagpuan sa Legaspi
City,  Albay,  Luzon.  Ito ay ginawang natural Park noong 2000 at ito ay ang Mayon Volcano Natural Park.




                                    Puting Buhangin ng Palawan





             Ang larawan na nakikita ninyo ay ang mga puting buhangin
ng Coron,  Palawan.






                                                                       Boracay





            Maraming mga Resorts sa Boracay.  Sa larawang ito,  may 
isang pulo sa Boracay.   Ang cute di ba?  






                                                                    Rice Terraces





            Ang Rice Terraces ay matatagpuan sa Mt. Province of Luzon.    Napatunayan ng mga ninuno na hindi lang sa low lands
maaaring magtanim ng palay kundi pati sa mga bulubunduking
bahagi ng bansa.  At bukod dito,  ito ay nakapagbibigay ng mga magagandang  tanawin,  kaayaayang pagmasdan.

      


   
               



           



Enero 17,  2012





            Ang Pilipinas ay may mga namumukod tanging mga
bagay-bagay at mga likas-yaman na dito lamang matatagpuan:



            Ang Philipine Jeepney  -  ito ay Public Utility Vehicle kadalasan,   na maaari din namang pampamilya.  Ang jeepning
Pinoy ay may pang-labingdalawahan o walohang sakay pampasahero.




                                                                      Jeepney




             Ang Karetela o Kalesa  -  ito ay Public Utility Vehicle na hila-hila ng kabayo.




                                                  Kalesa



            Alam ninyo,  noong araw,  isinama ako ng aking Lola sa Divisoria upang ako ay makasakay sa Karetela.  Nabanggit ko kasi na hindi pa ako nakakasakay dito.  Excited akong maka-ride.  Sa 
Divisoria,  bumili ng tela ang aking Lola upang itahi niya para sa akin. Sumakay kami mula sa paradahan hanggang sa pamilihan lang.
'Yon na 'yon.  Mas mahaba pa nga ang nilakad namin,  pakiramdam ko.  



            Kung kayo'y taal na mga Pilipinong tulad ko,  alam na alam na ninyo ang ating mga "only from the Philippines,"  at mga likas
yaman.  Dangan nga lamang,  ito ay ibinibida ko sa iba na baka sakaling hindi pa nila alam :



            Ang Tamaraw  -  ito ay isang uri ng sungayang hayop na matatagpuan mula sa Mindoro.  Wala nito sa ibang panig ng Pilipinas o ng buong mundo kundi sa Mindoro lamang.




                                                Tamaraw



            The Philippine Carabao (Kalabaw) -  ito ay isang uri ng
sungayang hayop ng matatagpuan sa mga bukirin ng Pilipinas na
siyang pantulong sa mga iba't-ibang  mga gawain.




                                           Mayroon Silang Mga Kalabaw




            Dito sa Pilipinas matatagpuan ang mga pinakamaliliit na isda:



            1.  Dwarf Goby (Pandaka Pygmaea) -  1.2 centimeters or 
                 less.  Nasa  mga ilog ng Malabon,   Rizal Province,  
                 Cullion,  Palawan.


            2.  Sinarapan o Tabios - 12.5 to 14 mm.  Matatagpuan 
                 lamang sa Bicol Region;  Lake Bato and Lake Buhi,
                 Camarines Sur.






              At saka ang pinakamaliliit na hipon,  ang alamang.  Ito ang
ginagawang bagoong.   May masarap na lutuin akong alam dito,  ang
Binagoongang Talong :



         
             
            6 talong (sliced)
            1 tasang bagoong (choose less salty bagoong)
            1 kl.  pork liempo (sliced into bite pcs.)
            2   sibuyas (sliced into little cubes)
            4   kamatis (         -  do  -              )
            1 buong bawang (dinikdik)






            Iprito ang liempo ng malutong.  I-set aside muna ito.  Tapos,
mag-gisa ng bawang,  sibuyas at kamatis sa mantika ng pinag-prituhan ng liempo.  Kailangang toasted ang bawang at sibuyas at lutong-luto ang kamatis,  saka,  ilagay ang bagoong.  After 5 minutes,  ilagay na ang talong.  After 5 minutes,  isama na ang liempo.  Haluing mabuti.  Luto na ito after another 10 minutes or
less.  Mainam kung ipang-uulam sa kanin.









            Sa mga iba pang mga pagkain,   mula sa Binyang,  Laguna lamang ako nakatikim ng Putong Binyang.  Sa Pulo,  Bulacan,  ang
Putong Pulo,  Mangosteen at Durian sa Davao,  Huani Mangoes and Kuratsa in Zamboanga and Mindanao,  Halo-halo (shaved ice with sweetened fruits),   the many varieties of Ginataan at ang manggang
kalabaw,  pajo,  at ang chupadera.  At napakarami pang iba. 



            Sa mga halamanan naman,  mayroon tayong napakaraming herbs,  ilang-ilang (ylang-ylang)  at ang Sampaguita na siyang National Flower ng Pilipinas,  na ginagawang lei.  Mayroon din tayong Pili nuts of the Bicol Region and the Abaca Plants.   Ang Narra ang National Tree.





                                               Sampaguita






              Mayroon din akong alam na Sampaguita,  Rocker 'sya :


















            Maraming talents dito sa Pilipinas.  Imaginin niyo the likes
of Jose Rizal,  Andres Bonifacio,  Emilio Aguinaldo at marami 
pang iba na pinagmanahan ng lahing Pilipino at mga kabataan na
namulat at nakahiligan ang Science,  Arts at Technology.  Mabuhay
ka,  Pilipinas.












          












            




























         















                
   




































 



                    




 











                   





            

Wednesday, January 11, 2012

            Enero 11,  2012




            Paminsan-minsan,  kinakailangang lumabas ng bahay
upang masilayan naman ang inyong kapaligiran,  masinagan
ng araw at ng madama ang init at pawis na dulot ng kalikasan.
Gayundin naman kung tag-ulan.  Masarap at masaya ang maligo sa ulan.  






            Ang kahalagahan nito ay pinapalawak natin ang ating
ginagalawan at tayo ay nakakakita ng mga iba't-ibang bagay
na hindi natatagpuan sa loob ng pamamahay na tunay nating maaring mahawakan at madama tulad ng mga bulaklak sa hardin o napitas na bayabas na inakyat mo pa sa puno.  Paano,
tayo namang lumabas ng gate at mamasyal sa ibang lugar.






            Rizal Park






            Ang Rizal Park ay matatagpuan sa Luneta,  along Taft Avenue,  Manila at sa kabilang parte ay sa Roxas Boulevard, 
Manila.  Sa Rizal Park matatagpuan ang Monumento ni Rizal. 
Si Jose P. Rizal ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.



                                        Monumento ni Rizal




            Malawak ang Rizal Park,  may iba't-ibang tanawin rito
tulad ng miniature Philippine Islands,  Children's Playground, ang Chinese Garden,  atbp.  Maaari  kayong abutin ng maghapon o abutin ng gabi sa inyong pamamasyal sa Luneta at maigi kung kayo ay magbaon ng tulad sa isang picnic.  Kundi naman,  napakaraming Kiosk at Eateries dito.




                                      Miniature Philippine Islands




                                                               Chinese Garden




                                                             Isang gabi sa Luneta








            Paco Park



            Ang Paco Park ay matatagpuan sa San Marcelino Street,
Manila,  katapat ng isang Fire Station.  Ito ay dating libingan na pumapaloob sa circular wall ng isang dome Chapel,  ang Patron
Saint ay si St. Pancratius.  Dito unang inilibing si Jose Rizal sa
likod ng Kapilya.  Dito rin ginaganap ang Concert at the Park.






                                     Hindi  "on"  ang fountain




                                                                 "On"  ang  fountain





            Kung mayroon kayong panahon,  iminumungkahi kong
pasyalan ninyo ang mga Parks na ito,  at tiyak na matutuwa
kayo.