Monday, January 30, 2012

Enero 30,  2012




            Alam ninyo,  sa kapanahunan kong ito,  maituturing ko ang
paglabas-labas ko sa bahay ay "once in a blue moon"  na lang,  at sa
totoo lang,  kailan ba naging blue ang moon?  Kung kaya't sana ay
maunawaan ninyo na limitado ang maari kong maiparating sa inyo dahil maski na nuon,  ako ang tipong uwi-bahay.  Karamihan ng
mga lugar na nabanggit o babanggitin pa ay mula sa mga nabasa,
napanood sa TV at sa mga images sa Internet. 



            May mga kaunlaran sa Pilipinas na ikinagagalak kong ipahayag sa inyo dahil Pinoy,   eh.  Kaya't heto,   mga lugar
na maari ninyong pasyalan at galugarin sa Pilipinas :



            Las Pinas (Las Pinyas) -  matatagpuan rito ang tanyag at bantog na Bamboo Organs.









            Mga Hot Springs sa Laguna,   mga iba't-ibang Resorts na
maaring may swimming pool o combinasyon nito,  o sa may
dalampasigan,   at ang mga Water Falls na  matatagpuan sa kapaligiran ng Luzon, Visayas at Mindanao.




            Chocolate Hills -  Ito ay tinawag na Choclolate Hills



             

dahil sa kulay ng lupa at kung saan may mga umuusbong na mga
luntian.  Ito ay matatagpuan sa Bohol.



    
            Taal Volcano -  matatagpuan ito sa Batangas o kaya'y
ang daang Tagaytay.    Ang Taal volcano ay napapaligiran ng Taal








Lake.  Ang Taal view ay makikita sa Lodge na ito.  Maaring ang Taal volcano na nakikita natin ay ang "peak" nito na kung saan
ang kabuoan ay nakalubog sa Taal Lake.  Kahit ano pa man,  ang bulkang ito ay tinaguriang pinakamaliit na bulkan ng Pilipinas.








            Cave of Puerto Princesa -  Sa yungib na ito matatagpuan ang Underground River of Palawan na "one of the 7 wonders of nature."

















  



            Baguio City -  ito  ang Summer Capital of the Philiipnes.  
ito ay ciudad na nasa bundok kung kaya't malamig ang 
klima dito kahit na tag-araw.    




At kung hindi ninyo ninanais na mag-lakbay o mag-"out-
of-town" para sa isang bakasyon o excursion,  maari rin naman
kayong manood ng sine or mag-shopping sa napakaraming Malls
sa loob ng bansa,  o kaya'y mag-stay-in sa isang Hotel o kaya'y magpalipas oras sa mga Condos as  transient. 



At kung kayo ay palasimba,  naririto ang Manila Cathedral
malapit sa Palacio del Gobernador at Fort Santiago.







 O,  sa San Agustin Church na kalapit lang,  o,  sa Quiapo
Church,  o,  sa Santa Cruz Church,  o sa Binondo Church,
o,  sa Sto. Domingo Church.  O,  sa historical Malolos Church,  
sa Malolos,  Bulacan.



Hanggang dito na lang po,  at dito nagtatapos ang aking
mga pahayag sa inyo.  Kung nais niyong mas makita on
TV,  sa Channel 11 po maraming travelogues at sa
Living Asia Channel.  Iminumungkahi ko pong
galugarin ninyo ang iba pang mga channels
dahil paminsan-minsan,  may mga
segment po ang mga Talk Shows na kung
saan ang mga Hosts ay nag-tra-travel.




Big world really,  nasasabi lang na small world kasi sa mga
pagkakataon na kung saan sa linaki-laki ng mundo,  same
place pa kayo nagkita ng say,   kaklase mo in Prinary
Grades pa.

Halimbawa :                                                                         








                                                                  

















     
















   




            

No comments:

Post a Comment