Wednesday, January 11, 2012

            Enero 11,  2012




            Paminsan-minsan,  kinakailangang lumabas ng bahay
upang masilayan naman ang inyong kapaligiran,  masinagan
ng araw at ng madama ang init at pawis na dulot ng kalikasan.
Gayundin naman kung tag-ulan.  Masarap at masaya ang maligo sa ulan.  






            Ang kahalagahan nito ay pinapalawak natin ang ating
ginagalawan at tayo ay nakakakita ng mga iba't-ibang bagay
na hindi natatagpuan sa loob ng pamamahay na tunay nating maaring mahawakan at madama tulad ng mga bulaklak sa hardin o napitas na bayabas na inakyat mo pa sa puno.  Paano,
tayo namang lumabas ng gate at mamasyal sa ibang lugar.






            Rizal Park






            Ang Rizal Park ay matatagpuan sa Luneta,  along Taft Avenue,  Manila at sa kabilang parte ay sa Roxas Boulevard, 
Manila.  Sa Rizal Park matatagpuan ang Monumento ni Rizal. 
Si Jose P. Rizal ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.



                                        Monumento ni Rizal




            Malawak ang Rizal Park,  may iba't-ibang tanawin rito
tulad ng miniature Philippine Islands,  Children's Playground, ang Chinese Garden,  atbp.  Maaari  kayong abutin ng maghapon o abutin ng gabi sa inyong pamamasyal sa Luneta at maigi kung kayo ay magbaon ng tulad sa isang picnic.  Kundi naman,  napakaraming Kiosk at Eateries dito.




                                      Miniature Philippine Islands




                                                               Chinese Garden




                                                             Isang gabi sa Luneta








            Paco Park



            Ang Paco Park ay matatagpuan sa San Marcelino Street,
Manila,  katapat ng isang Fire Station.  Ito ay dating libingan na pumapaloob sa circular wall ng isang dome Chapel,  ang Patron
Saint ay si St. Pancratius.  Dito unang inilibing si Jose Rizal sa
likod ng Kapilya.  Dito rin ginaganap ang Concert at the Park.






                                     Hindi  "on"  ang fountain




                                                                 "On"  ang  fountain





            Kung mayroon kayong panahon,  iminumungkahi kong
pasyalan ninyo ang mga Parks na ito,  at tiyak na matutuwa
kayo. 



          




           




 










 
 











          





 









                         
                                 

         
        






          









         

















    











         








           


         
 


     










            

No comments:

Post a Comment