Tuesday, January 17, 2012

               



           



Enero 17,  2012





            Ang Pilipinas ay may mga namumukod tanging mga
bagay-bagay at mga likas-yaman na dito lamang matatagpuan:



            Ang Philipine Jeepney  -  ito ay Public Utility Vehicle kadalasan,   na maaari din namang pampamilya.  Ang jeepning
Pinoy ay may pang-labingdalawahan o walohang sakay pampasahero.




                                                                      Jeepney




             Ang Karetela o Kalesa  -  ito ay Public Utility Vehicle na hila-hila ng kabayo.




                                                  Kalesa



            Alam ninyo,  noong araw,  isinama ako ng aking Lola sa Divisoria upang ako ay makasakay sa Karetela.  Nabanggit ko kasi na hindi pa ako nakakasakay dito.  Excited akong maka-ride.  Sa 
Divisoria,  bumili ng tela ang aking Lola upang itahi niya para sa akin. Sumakay kami mula sa paradahan hanggang sa pamilihan lang.
'Yon na 'yon.  Mas mahaba pa nga ang nilakad namin,  pakiramdam ko.  



            Kung kayo'y taal na mga Pilipinong tulad ko,  alam na alam na ninyo ang ating mga "only from the Philippines,"  at mga likas
yaman.  Dangan nga lamang,  ito ay ibinibida ko sa iba na baka sakaling hindi pa nila alam :



            Ang Tamaraw  -  ito ay isang uri ng sungayang hayop na matatagpuan mula sa Mindoro.  Wala nito sa ibang panig ng Pilipinas o ng buong mundo kundi sa Mindoro lamang.




                                                Tamaraw



            The Philippine Carabao (Kalabaw) -  ito ay isang uri ng
sungayang hayop ng matatagpuan sa mga bukirin ng Pilipinas na
siyang pantulong sa mga iba't-ibang  mga gawain.




                                           Mayroon Silang Mga Kalabaw




            Dito sa Pilipinas matatagpuan ang mga pinakamaliliit na isda:



            1.  Dwarf Goby (Pandaka Pygmaea) -  1.2 centimeters or 
                 less.  Nasa  mga ilog ng Malabon,   Rizal Province,  
                 Cullion,  Palawan.


            2.  Sinarapan o Tabios - 12.5 to 14 mm.  Matatagpuan 
                 lamang sa Bicol Region;  Lake Bato and Lake Buhi,
                 Camarines Sur.






              At saka ang pinakamaliliit na hipon,  ang alamang.  Ito ang
ginagawang bagoong.   May masarap na lutuin akong alam dito,  ang
Binagoongang Talong :



         
             
            6 talong (sliced)
            1 tasang bagoong (choose less salty bagoong)
            1 kl.  pork liempo (sliced into bite pcs.)
            2   sibuyas (sliced into little cubes)
            4   kamatis (         -  do  -              )
            1 buong bawang (dinikdik)






            Iprito ang liempo ng malutong.  I-set aside muna ito.  Tapos,
mag-gisa ng bawang,  sibuyas at kamatis sa mantika ng pinag-prituhan ng liempo.  Kailangang toasted ang bawang at sibuyas at lutong-luto ang kamatis,  saka,  ilagay ang bagoong.  After 5 minutes,  ilagay na ang talong.  After 5 minutes,  isama na ang liempo.  Haluing mabuti.  Luto na ito after another 10 minutes or
less.  Mainam kung ipang-uulam sa kanin.









            Sa mga iba pang mga pagkain,   mula sa Binyang,  Laguna lamang ako nakatikim ng Putong Binyang.  Sa Pulo,  Bulacan,  ang
Putong Pulo,  Mangosteen at Durian sa Davao,  Huani Mangoes and Kuratsa in Zamboanga and Mindanao,  Halo-halo (shaved ice with sweetened fruits),   the many varieties of Ginataan at ang manggang
kalabaw,  pajo,  at ang chupadera.  At napakarami pang iba. 



            Sa mga halamanan naman,  mayroon tayong napakaraming herbs,  ilang-ilang (ylang-ylang)  at ang Sampaguita na siyang National Flower ng Pilipinas,  na ginagawang lei.  Mayroon din tayong Pili nuts of the Bicol Region and the Abaca Plants.   Ang Narra ang National Tree.





                                               Sampaguita






              Mayroon din akong alam na Sampaguita,  Rocker 'sya :


















            Maraming talents dito sa Pilipinas.  Imaginin niyo the likes
of Jose Rizal,  Andres Bonifacio,  Emilio Aguinaldo at marami 
pang iba na pinagmanahan ng lahing Pilipino at mga kabataan na
namulat at nakahiligan ang Science,  Arts at Technology.  Mabuhay
ka,  Pilipinas.












          












            




























         















                
   




































 



                    




 











                   





            

No comments:

Post a Comment